I got very little sleep last night (not really... I slept at 12 AM) because I was up making a fifteen to twenty-minute play for our Filipino class. Making a play was tiresome, and half of my time was spent on searching a good story to be the foundation of it. After thinking it over, I decided that I'd make an Alamat ng Mangga meets Juan Tamad piece. So on and on I went, not stopping, always editing, ignoring drowsiness, concentrating. And halfway through typing, I realized that I also had to do a reflection paper regarding Piaget's preoperational period.
I hurried, focusing so hard as I want to sleep early. And when I finished the play, A great relief set on me. Here's how it went (unedited, so sorry for the typos):
Ang Alamat ni Maria
Tauhan:
Narrator [N]
Aling Josette [AJ]
Maria
[M]
Juan [J]
Pulubi [P]
Matanda [T]
Diwata [D]
N: Kaisa-isang anak ni Aling Josette si Maria. Mabait at matulungin si Maria; nagmana siya sa kanyang ina.
M: Magandang umaga po, 'nay! (mano)
AJ: Magandang umaga din, anak. O siya, may inihanda akong tuyo at kanin, kain ka lang ng kain, ha?
M: (Nakangiti) Sige po, 'nay. Maraming salamat po! (Umupo at kumain)
'Nay, mangingisda po ako mamaya, kasama ko po mga kaibigan ko. Malapit lang
naman po ang palaisdaan eh. Ayos lang po ba sa inyo?
AJ: O siya, sige, basta mag-iingat ka.
N: Bandang 10:00 ng umaga...
AJ: O, anak, teka lang ha, lalagyan ko lang ng lampin 'tong likod mo at baka mapawisan ka (naglagay ng lampin). Eto ang bilao, dito mo nalang ilagay ang mga nakuha mong isda, ha, anak?
M: Opo, 'nay, maaasahan niyo po.
AJ: Sige, mag-ingat ka, wag kang magpa-gabi, ha? Sige na, mag-enjoy ka doon.
N: Alas dos ay umuwi na si Maria, kanyang bilao puno ng isda. Habang siya ay naglalakad ay may nakita siyang pulubi sa daan...
M: (Naglalakad, kumakanta, at habang naglalakad ay may nakita siyang pulubi; ang pulubi ay nakahiga, kapit ang tiyan sa gutom) Diyos ko. (Linapitan ang pulubi) Tatang... tatang...
P: (Tiningnan si Maria; nasa mukha nito ang gutom at pangangailangan)
M: Tatang, gusto niyo po bang sumama sa akin? Doon po tayo sa bahay ko, papakainin ko kayo.
P: ...Ano, ineng? (umupo, di makapaniwala) Totoo? Papakainin mo ako?
M: Oho! Ipagluluto po namin kayo ni nanay.
P: Salamat, ineng (sa sobrang tuwa ay may hitsurang naiiyak) Salamat...
M: Sige po, halika po (tinulungang tumayo at maglakad), kung gusto niyo po doon muna kayo manirahan sa amin nang panandalian...
N: Umuwi si Maria, isang kamay nasa bilao, ang pulubi nasa kabila. Nang nakita ito ni Aling Josette ay nagulat siya; di niya inaasahang magdadala si Maria ng bisita)
M: Ma, andito na po ako!
AJ: (nagpupunas ng lamesa) O, anak, naandito ka na pala. Buti't maaga kang nakauwi. (tiningnan si Maria at nagulat na may kasama ito)
M: Ma, eto po si tatang. Kung ayos lang po sa inyo ay papakainin ko siya at patitirahin dito nang sandali.
AJ: Ha? (lumapit) Bakit? Saan mo siya nakita?
M: Nung pauwi po ako nakita ko siyang nakahiga sa tabi ng daan. Napansin ko pong matagal na siyang di nakakakain, at na nangangailangan po siya, kaya't naisip ko pong maganda kung dito muna siya hangga't makahanap siya ng trabaho.
AJ: Ganoon ba? (tiningnan ang pulubi) Gaano ho kayo katagal maninirahan dito?
P: Ale, pangako po, ang pinakamatagal ay isang linggo. Sandali lang naman po ako dito. Sabi po ng anak ninyo na may karnibal sa nayon sa Miyerkules, kaya't maghahanap po ako ng hanapbuhay doon.
AJ: Ah, yung karnibal? (tiningnan si Maria) Di ba may fiesta din sa nayon sa Miyerkules?
M: Oho, meron po.
AJ: Sige, anak, pakainin mo na si tatang. (bumalik sa lamesa; pinaupo ni Maria ang pulubi) Pupunta ka ba sa fiesta?
M: Opo, 'nay. Mag-uuwi din po ako ng pagkain galing doon.
AJ: Sige, salamat, 'nak. Basta't bago mag-hatinggabi nasa bahay ka na, ha? (Ngiti) O tatang, magluluto lang po kami ni Maria ha...
N: Lumipas ang dalawang araw; Miyerkules na. Pumunta ang pulubi at si Maria sa
nayon. Nagtungo si Maria sa fiesta, at ang matanda naman sa karnibal.
M: (Naglalakad, tinitingnan ang makulay na kalye, at napatigil nang nakita niya si
Juan...)
J: ("accented" ang boses) OI! Kayong mga alimango! (pinapalo gamit ng stick patungo sa isang direksyon) Magsipuntahan kayo sa bahay ko ha! Inaabangan na kayo ni nanay doon. Ayaw pa naman niyang naiinip...
M: Um, excuse me?
J: (tiningnan si Maria)
M: Ano hong ginagawa niyo?
J: Eh, etong mga alimango, eh! Pinapauwi ko! (Pinapalo muli ang mga alimango) Hoy! Wag nga kayong humiwalay! Doon! (Tinuro ang direksyon ng kanyang bahay)
M: Bakit hindi mo nalang ipatali tapos hawakan mo nalang?
J: Tsss. Ano, ate? Tingin mo maghahawak ako ng ganyan? Ala ey! Kaya nilang umuwi mag-isa!
M: ...Sige, sabi mo eh. (Nakita ang pulubi patungo sa kanya) O, tatang, kumusta ho?
P: Anak, nakahanap ako ng trabaho!
M: Talaga? Ano po?
P: Ako ang magbebenta ng mga ticket sa mga gustong pumasok sa ferris wheel. (Abot-tenga ang ngiti) Anak, maraming salamat, ha? Pagpalain kayo ng ina mo ng Diyos.
M: Ayos lang po, tatang. Basta't tuwing nangangailangan po kayo, alam niyo na ho kung saan kami nakatira, okey?
P: Sige (kinapit ang dalawang kamay ni Maria, abot-tenga parin ang ngiti) Salamat talaga, ineng.
N: Sunod na umaga: lumabas si Maria ng bahay upang magbenta ng isda. At sa daan ay may nakasalubong siya: ang lalaking nakita niyang nagpapalo ng alimango sa fiesta.Ito'y nakaupo sa puno ng guava.
M: (Lumapit kay Juan) Hindi ba't ikaw ang may alimango kagabi?
J: (Umasim ang mukha) Oo.
M: Ano na nangyari sa mga alaga mo?
J: Ayun, hinahanap pa rin ang daan pauwi. Hindi ko na nga sila makita eh. Baka ibang kalye ang dinaanan nila.
M: Ahhh... okey. (ngumiti) sorry, ako ng pala si Maria. Ikaw?
J: Mmm. Ako si Juan Tamad.
M: Ah, masaya ako't nagkakilala tayo.
J: (hindi nagsalita. tumingin lang sa taas at binuksan ang bibig)
M: Anong ginagawa mo?
J: Naghihintay ng malalaglag na guava.
M: Ah, may isda ako dito, baka gusto mong iuwi nalang to sa inyo?
J: (tiningnan siya ni Juan. May gulat sa mukha nito) Ang ganda mo pala.
M: (Gulat) Ha?
J: Ang. Ganda. Mo. (hinawakan ang kamay ni Maria) Pwede ba tayong magpakasal?
M: Ano? (binawi ang kamay) Ayos lang ba pakiramdam mo? O siya, pupunta pa ako sa palengke eh. (tumayo at umalis)
J: Teka lang! Ui!
N: Naubos na ang mga isda ni Maria at tumungo na ito pauwi. Nang malapit na siya sa bahay ay may nakita siyang matanda na mukhang matagal nang naglalakbay; ito'y gutom at pagod.
M: Mama? Mama, kailangan niyo ho ba ng maiinom?
T: Anak, kung maaari ba'y, sige...
M: Sige po, sumama po kayo sa akin, malapit na lang po bahay ko.
N: Pareho ang ekspresyon ng gulat na ibinigay ng ina ni Maria nang dinala niya ang pulubi sa bahay.
M: 'Nay, nakauwi na po ako (lumapit at nagmano)
AJ: O, napakabilis naman - (nakitang may kasama si Maria, nagulat) Sino iyang kasama mo?
M: A, ma, papakainin ko lang po si mang, malayo ho ang linakbay niya eh.
AJ: Gayon ba? O sige, sige...
(Pagkakain: nakaupo sa hapag-kainan si Aling Josette at ang matanda)
AJ: Saan kayo galing? At saan po kayo patungo?
T: Galing ako sa Berbanya; hinahanap ko ang halaman na makapagpapagaling sa aking anak.
AJ: Ganon ho ba? E saan niyo naman ito makikita?
T: Sa tuktok ng bundok sa may hilaga. Malapit-lapit na rin ako.
AJ: Oo nga ho. Kung gusto niyo po ay bigyan ko na kayo ng baon, para hindi na po kayo nagutom sa lakbay niyo.
T: (ngiti) kung maaari po. Maraming maraming salamat po. Balang araw ay
babayaran ko kayo ng inyong anak.
AJ: Ah, wala yon (ngiti)
T: Napakabait po ng pamilya ninyo. Alam kong darating ang araw na babalik ang lahat ng inyong kabaitan sa inyo.
N: Nakaalis na ang matanda; gabi na. Nag-aayos na sala ang mag-ina, nang biglang...
J: Uso pa ba, ang harana... Marahil ikaw ay nagtataka...
AJ: At sino naman iyon? (binuksan ang bintana) Aba - si Juan Tamad!
M: Ho? (lumapit sa bintana) Nako naman, Juan - nakakahiya ka!
AJ: Oo nga, Juan! Ano namang pumasok sa utak mo't bigla mong hinaharanahan -
(napatigil; tiningnan si Juan, tapos si Maria, tapos si Juan ulit) Ano? Liniligawan mo ang anak ko?
J: Tiya naman! Eh ang ganda po ng anak ninyo eh!
M: (Natawa) Hindi naman.
AJ: Aba'y, si Maria lang ba ang lunas ng katamaran mo? Halika nga't pumasok ka!
(Lahat ay nakaupo; magkatabi si Maria at si Aling Josette, at nasa tapat nila si Juan)
AJ: Ngayon... seryoso ka ba sa anak ko?
J: Opo, tiya.
AJ: Ano naman nakita mo sa kanya?
J: Tiya naman... eh sa ganitong mga oras ay nakahiga na ko sa kwarto, natutulog. Di pa ba sapat na naandito ako ngayon, hinihingi ang kamay ng inyong anak, para malaman mo kung gaano ko siya kagusto?
AJ: Jusme... ang drama mo Juan. (humarap kay Maria) Tatanggapin mo ba siya?
M: Ho?... (tiningnan si Juan; ngumiti ito) Sige po. Tingnan po natin kung saan tutungo ang panliligaw niya.
J: YON! (tumayo at sumasayaw) Wuhoo!
AJ: O siya, sige, umuwi ka na Juan, alas-onse na o!
J: Sige po. (tiningnan ang mag-ina at ngumiti) Magandang gabi.
N: Nagpatuloy ang ligawan. Natutuwa si Maria sa mga ginagawa ni Juan para sa kanya, tulad ng pagtatali ng alimango at pagdadala ng kanyang bilao patungo at pauwi ng palengke. Ngunit isang araw ay nagkasakit si Maria. Kahit anong gawin ni Juan at ni Aling Josette ay lumubha ang karamdaman nito. At makalipas ng isang buwan, namatay si Maria.
AJ:(yakap ang anak)
...Wala na ang Maria ko... (umiiyak)
J: (akbay si AJ)
AJ: Ba't bigla
nalang siyang nawala? Ni hindi pa nagsisimula ang kanyang buhay..
J: May mga
dahilan po ang Panginoon, tiya. Ipagdasal nalang po natin siya.
N: At nang oras na iyon, ay may ilaw na sobrang liwanag ay nasilaw si Juan at si Aling Josette. May dumating na diwata.
AJ: A-anong kailangan niyo?
D: (panay nakangiti) Pumunta ako upang hingiin ang puso ng inyong anak.
J: Ha?
AJ: Ang puso ng Maria ko? B-bakit ho?
D: Ibigay mo lang sa akin, at malalaman mo ito bukas. Pumunta ka sa bundok sa hilaga, at doon ay makikita mo ang puso ng iyong anak.
AJ: S-sige...
N: At noon ay binigay ni Aling Josette ang puso ni Maria. Ang diwata'y pumunta sa bundok at itinanim ang puso ni Maria. Nung sumunod na araw ay naglakbay si Aling Josette at si Juan sa bundok. At doon, ay may nakita silang kakaibang puno na may bungang korteng-puso.
AJ: Ha? Ito ba ang...puso ni Maria?
J: (Pumitas, inamoy ang bunga) Ang bango nito! (Kinain) At napakatamis!
AJ: Kung gayon, ay ito nga ang puso ni Maria. Tulad ng kagustuhan niyang tumulong nung buhay pa siya, maraming makikinabag sa punong ito.
J: Mag-uwi po tayo nito. Ang sarap eh.
AJ: Oo, sige. Eto ang alaala ng anak ko.
N: At noo'y nadiskubre ang prutas at ipinangalang Mangga. Ngayon, ito ang isa sa pinakamatamis na prutas, at marami ang may gusto nito. Tulad ni Maria, ito ay minamahal ng lahat ng may alam dito. At dito nagwawakas ang aming kwento.
I was off to my reflection paper. It's quite simple, actually, as we were asked to write three experiences regarding the preoperational period. It goes like this (again, unedited):
Of Wild Imaginations and Strong Penchants
As a child, I had different experiences regarding my preoperational period, but only a few of the occurrences have been retained in my mind. I don’t have any vivid memory within this period, but I am sure that what I am about to mention is part of my childhood.
I remember that when I was about five, I had a strong sense of spreading my faith throughout the house. Seeing that there was a lack of religious objects at home, I decided that it was best if I just make some with my then-talent: drawing. I drew the Stations of the Cross, and after finishing, I posted it on every door in the house, thinking that it was the same as the Stations of the Cross being put up in the foundations of the church. I also thought that if my parents were ubiquitous with it around the house, it would strengthen their faith, and that they would praise me for my good drawing. I supposed it was a good idea; my parents, I think, believed otherwise.
Another is my constant comparison of the amount of food my brothers and I have. When I don’t fancy the food on the table, and I see that my brothers’ rice covers just a small, round part of the plate (since their rice is compressed) compared to mine, which is spread wide so that it covers the whole plate, I would whine and tell our maid that it isn’t fair. Also, when we eat junk food, I used to contrast how each wrapper is filled up with more goodies depending on the level the junk foods fill up in the wrapper. When I see which has most (not knowing the fact that all chips are just of the same weight and number), I usually get it before my brothers do.
Lastly, when it comes to gift-giving, I insist my parents to give my parents good gifts. When I see that they just buy candies or something of the sort, I would get irritated to the point of having tears. I wanted to give my classmate something that I
liked, as I thought that they have the same preference as I do.
Now I know that all children experience this kind of thing, that it is actually a stage of childhood. So I can say that I wasn’t a little spoiled brat at home; neither was I a weird kid who needed medical assistance. I was—and am—normal, as all (or most) people are.
So when I finished, I immediately went to my bed and had a dreamless sleep.
Morning came. I seriously considered not going to MC, as I felt so unprepared; but thanks to my fear of being absent (they say that when you have a perfect attendance, you immediately get a 4.0 - in Miriam standards, that's a 90), I decided to go.
Thankfully, we didn't have English 101, so we had a total of three hours break time. Good, I thought, we have more time to practice for our play. And so, I went to our meeting place, the Little Theater, and discussed things over with my groupmates.
We spent half an hour debating whether we should push through with the performance today or make some lame excuse so that we could do it on Friday (i.e. "Miss, we couldn't present our play today: -insert name here- went home, her fever shot up because of her tonsilitis, and she happens to be the main character). After weighing the pros and cons, and with the convincing stands of some of our groupmates, we decided to just do it today, regardless of the lack of props and unpreparedness. So we went straight to work: making props, delivering lines, acting, and so on. And guess what? The break time was more than enough, so we ate and just talked about random things.
Filipino time came. I wasn't that nervous, as I knew that our group would do good. The groups before us, in my honest opinion, weren't that clear in delivering their message, and their play didn't reach the time required, nevertheless they had good acting. So when it was our turn, everything turned well: our blockmates were listening, our teacher was happy, and Dane actually saw our score: 95. We were overjoyed; to think that I did the script just last night, and that my groupmates and I were discussing whether we should not do it today. It's a great feeling, doing your best and it being paid off well.
Now, I better catch up on my sleep; my eyes are near to rolling out of their sockets.
No comments:
Post a Comment